Sunday, March 4, 2012

"Computer para sa pag-aaral"



Ito ay isang kwento kung saan makikita natin ang pakikipagsapalaran ng isang batang taga probinsya na nag-aaral sa isang eskwelahan sa lungsod. Dito natin makikita kung gaano kahirap ang buhay ng mga batang walang kaya na nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral laban sa mga bisyo at mga problemang kinakaharap ng kabataan sa panahong ito.

                Itong kwentong ito ay tungkol sa batang si Jojo na isang probinsyanong nagsusumikap na makapag-aral. Siya ay anak ng dalwang magsasakang nagsusumikap na siya ay pag-aralin para makatapos at makapagtrabaho para sa magandang kinabukasan. Ngunit sa pag-aaral niya ay makakasalubong niya ang mga pagsubok ng buhay at masasamang bisyo ng kabataan ngayon.

                Si Jojo ay isang batang masipag mag-aral. Siya ay anak ng dalawang magsasakang nagsusumikap na siya ay pag-aralin para siya ay makatapos, ngunit bago siya makatapos ay nakaharap niya ang mga bisyong dapat niyang talunin. Si Jojo ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan kung saan makikilala niya ang iba’t ibang uri ng kabataan meron tayo ngayon. Sa paaralang iyon nakilala niya si Nestor na isang mayaman na siyang ring naging matalik niyang kaibiga. Doon nya rin nakilala sina Jose, Pedro at Juan na siyang mga masasamang impluwensya ang maidudulot sa kahit sinong batang makipagkaibigan sa kanila.

                Isang araw sa eskwelahan, si Jojo ay bumibili ng kanyang pagkain sa canteen nang biglang pumunta sa kanya si Nestor na nag-iiyak. “Nestor, bakit ka nag-iiyak?” ang sabi ni Jojo. “Eh kasi Jojo, kinuha nina Jose yung cellphone ko tapos pinaglaruan pa. Lagot ako kay mommy pag nalaman nila yun!” sagot ni Nestor. “Ako ang bahala, mababawi din natin ang cellphone mo. Isusumbong ko sila kay ma’am mamaya. Kala nila ha!” ang sabi naman ni Jojo. Pagkatapos ng recess, nagbalikan na sila sa klase at isinumbong agad ni Jojo ang masamang ginawa ni Jose at nang kanyang tropa. “Maam, sina Jose po kinuha yung cellphone ni Nestor”. “Jose, totoo ba ang sinasabi ni Jojo?” sabi ng guro. “Opo maam, hiniram lang naman po naming eh” sagot ni Jose. “Sinungaling ka! Sinabi sakin ni Nestor na kinuha mo raw ang cellphone nya! Ibalik mo yan sa kanya!”. Dahil sa takot ni Jose sa kanyang guro at sa kahihiyang natamo nya sa buong klase ibinalik na niya kay Nestor ang cellphone ngunit may sinabi si Jose kay Jojo. “Lagot ka sakin Jojo, hindi ka makakalabas ng gate mamaya”. Sa kilabot ni Jojo kay Jose ay napaupo nalang ito sa kanyang silya at napatulala. Sabay sabi naman ni Nestor na “Maraming salamat kaibigan, babawi rin ako sayo. Tsaka wag kang mag-alala, hindi ka babalikan ni Jose, uunahan natin siyang maka-uwi!”. Masayang sinabi ni Nestor kay Jojo. Simula noong araw na iyon, lagi na silang magkasama ni Nestor at Jojo sa bawat araw ng pasukan. Ngunit dumating ang isang araw na sila ay nag-away. Hindi inaasahang naibagsak ni Jojo ang cellphone ni Nestor at ito ay nasira.

                Dahil sa pangyayaring iyon, hindi na nagpansinan ang dalawang magkaibigan. Si Nestor ay madalas nang walang kasama. Lagi na siyang kumakain mag-isa sa canteen at walang kasama pag-uuwi na mula sa klase. Si Jojo naman ay napasama sa tropa nina Jose, Pedro at Juan. Dahil sa pakikipagkaibigan niya sa tropa ni Jose ay natutunan niyang magkaroon ng mga bisyo. Natuto siyang manigarilyo, mag-inom at magcomputer sa mga computer shop ng walang patid. Dumating ang isang araw na nakaaway nanaman ni Jose si Nestor. Kinuha nanaman ni Jose ang cellphone ni Nestor. Si Nestor ay nagmamakaawa nang ibalik sa kanya ang kanyang cellphone. “Parang awa mo na Jose, ibalik mo na iyan sa akin. Ano ba ang nagawa ko para ako lagi ang pagtripan mo?” ang sabi ni Nestor kay Jose. “Haha, sa tingin mo ibabalik ko ito sa iyo? Wala si maam ngayon! May sakit kaya wala kang mapagsusumbongan ngayon! Hahaha”. “Jojo, tulungan mo naman ako. Kaibigan mo naman si Jose. Parang awa mo na”. Hindi kumibo si Jojo at tumalikod nalang. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagisip-isip ni Jojo ang mga bagay na nagawa niya. “Ano ba itong mga  nagawa ko? Hindi na tama ito!”. Mula noon hindi na sumasama si Jojo sa tropa ni Jose at naging matalik na magkaibigan ulit sila ni Nestor. Ngunit noong panahon na iyon ay napansin na ni Nestor na walang tigil sa paninigarilyo at pagiinom si Jojo, wala ring humpay ang paglalaro niya sa computer shop. Dumating na rin ang araw na niyaya ni Jojo si Nestor na mag-inom sa bahay nila. “Ano ka ba naman Jojo? Wala pa tayo sa tamang edad para mag-inom. At tsaka saan mo ba natutunan ang pag-iinom? Wala naman iyang maidudulot na maganda sa atin ah?”. “Hay nako Nestor, konting tikim lang namn ang gagawin natin eh. Anu bang masama doon?”. “Dyan nagsisimula ang masamang bisyo Jojo. Tigil-tigilan mo na yan. Wala kang mararating dyan sa ginagawa mo” sabay alis si Nestor dahil sa makulit na pag-yayaya ni Jojo. Nangmaka-uwi na si Jojo, napag-isip-isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Nestor. Napasok sa isipan niya na wala ngang mabuting maidudulot ang sagad-sagad na pag-iinom niya. “Tama nga si Nestor, wala nga talaga akong mapapala sa pag-iinom ko. Baka maaga pa akong ma-dead ball dito” ang sabi ni Jojo sa isipan niya.


 




Simula rin noong araw na iyon ay hindi na si Jojo nag-iinom. “Nestor, panu ba yan? Hindi na ako nag-iinom ngayon oh”. “Aba, ay mabuti naman. Buti’t napag-isip-isip mong tumigil sa bisyo mong iyan”. “Aba syempre, baka maaga akong matodas. Marami pa akong pangarap ano”. Natapos ang usapan nilang iyon sa halakhakan at tuloy-tuloy na kwentuhan. Nang pauwi na sila niyaya ni Jojo na magcomputer sila ni Nestor. “Nestor, tarang magcomputer. Maglaro muna tayo bago umuwi”. “Tara, pero saglit lang tayo. Baka mahuli ako ng nanay ko” sagot ni Nestor. “Oh sige, tara na!”. Nagtungo sila sa pinakamalapit na computer shop at naglaro sila doon. Matapos ang isang oras, nagpasya na si Nestor na umuwi. “Sige pre, uwi na ako. Ang sakit na ng mata ko!”. “Sige, kita nalang tayo bukas!”. Umuwi na si Nestor patungo sa kanilang bahay ngunit si Jojo ay patuloy parin sa paglalaro. Nagpatuloy ang pagcocomputer ni Jojo at ni Nestor at napansin ni Nestor na madalas ay hindi na umuuwi ng maaga si Jojo. “Nako, mukang may bagong bisyo nanaman si Jojo. At ngayon naman ay sa paglalaro ng computer”. Kinabukasan kinausap ni Nestor si Jojo. “Jojo, napapansin kong hindi ka nauwi ng maaga sa inyo ah. May problema ka ba?”. “Ah, wala naman Nestor, nagcocomputer lang ako kaya ganung oras na ako nauwi” sagot ni Jojo. “Ibig mong sabihin nauwi ka na ng gabi dahil lang sa pagcocomputer?” ang sabi naman ni Nestor. “Eh pare, yun nalang ang libangan ko eh”. “Alam mo Jojo, ang computer ay hindi ginawa para lang gawin nating libangan. Alam mo bang dito tayo makakakuha ng iba’t ibang impormasyon gamit ang internet?”. “Alam ko naman yun eh Nestor”. “Ganun naman pala eh, bakit ka naglalaro nang ganun katagal sa computer?” tanong ni Nestor. “Eh hindi ko mapigilan eh, mukang naadik na nga ako sa pagcocomputer” sagot ni Jojo. “Ayan na nga baga ang sinasbi ko, naging bisyo mo na ang pagcocomputer pare. Imbis na gamitin mo ang computer sa pag-aaral ay ginagamit mo ito para sirain lang ang pag-aaral mo at ang kinabukasan mo! Nasasayang lang ang perang kinikita ng mga magulang mo sa pagsasaka dahil lang sa bisyo mong yan”. “Hayaan mo pre, susubukan kong tigilan ang pagharap sa computer ng masyadong matagal. “Sige pre, pwede naman tayong maglaro sa computer eh, pero paminsan-minsan lang” sabi ni Nestor. “Hayaan mo, iiwasan ko narin ang maglaro para hindi na ako maadik pa ulit sa pagcocomputer” sagot ni Jojo. Sa paglipas ng panahon, natutunan ni Jojo ang tamang pag gamit ng computer sa tulong ng matalik niyang kaibigan na si Nestor. Pareho silang nakatapos ng pag-aaral dahil sa pagkakaroon ni Jojo nag part time job habang siya ay nag-aaral ng college. Pareho silang naging mahusay na Computer Engineers at pareho rin silang nagsasagawa ng mga programa para turuan ang kabataan kung paano gumamit ng tama ng computer at kung pano umiwas sa masasamang bisyo. Sa kabila ng lahat ng dinanas di Jojo sa kanyang buhay ay nakapagtapos siya ng pag-aaral at nakakuha siya ng isang magandang trabaho dahil sa tulong ng kanyang kaibigan na si Nestor.

                Dapat nating tandaan na ang pag gamit ng computer ay pwede nating gawin ngunit hindi natin ito dapat gawing laruan. Kailangan nating matutunan ang tamang pag gamit ng computer para mapaunlad an gating sarili at hindi para sirain at ating pag-aaral at kinabukasan.

No comments:

Post a Comment