Magandang araw sa iyo kaibigan, ako
nga pala si Alvin. Alam naman natin ngayon na karamihan sa kabataan ay
nalululong na sa mga online games, facebook at kung anu-ano pa na makakasira sa
ating pagkatao at buhay at ang mga blog ay nababaliwala nalang dahil sa mga
bagay na ito. Dito sa blog marami tayong makukuha at matututunang impormasyon.
Mas mabuting ditto natin ituon an gating oras kaysa sa paglalaro ng mga
computer games at facebook. Tulad nyo isa rin akong adik sa mga computer games
tulad ng DOTA at SF pati narin sa Facebok at sa mga larong nakapaloob dito pero
kahit ako ay nalululong dito ay nakokontrol ko ang aking paglalaro at nasisikap
ko pang itaas ang aking mga marka sa paaralan. Muntik ko nang makalimutan, eto
nga pala ang storya ng buhay ko.
![]() |
Ako noong graduation namin noong grade 6 |
Nagpatuloy
ang paghanga ko sa kanya hanggang sa kami ay mag grade 5 kung saan ako ay
nilalait na ng mga kaklase ko tungkol sa kanya. Noon pa naman ay madalas akong
mamula pag ako ay inaasar tungkol sa taong hinahangaan ko. Sa tuwing inaasar
ako ng mga kaklase ko ay wala akong magawa kundi tumahimik na lamang sa isang
tabi at noon din ay nalaman na nya na may gusto ako sa kanya. Noong malaman ko
ang tungkol dito lalo akong hininaan ng loob na lumapit sa kanya at kauspain
siya. Sa pagtagal ng panahon ay napalayo na ako sa kanya dahil sa kahiyaan ko
at ang kaya ko lang gawin pag siya ay nasa paligid ay ang tumingin sa kanya,
ngunit pag siya ay tumitingin ako naman ay umiiwas dahil baka isipin niya na
masyado akong ambisyoso para ibigin siya.
Dumating na ang panahon kung saan kami ay grade 6 na kung saan kami ay kabilang sa mga Graduating batch. Noong panahon na iyon ay pinipilit kong ipunin ang lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sa kanya ang aking nararamdaman para sa kanya ngunit ako ay nabigo dahil natalo ako ng aking pagiging duwag. Nanatili akong tagahanga lang niya noong panahon na iyon ngunit siya ay nagsisilbi parin na isang inspirasyon para sakin na magsumikap na makalusot sa mga achiever para mahabol sya.
![]() |
DOTA: larong aking kinaadikan dati |
Dumating
ang panahon na kinailangan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya para
makatungtuong na sa susunod na yugto ng aking pag-aaral kung saan ako ay
kikilalanin na bilang isang “High School Student”. Kailangan ko noong makahanap
ng isang mahusay at masayang paaralan kaya ako ay kumuha ng iba’t ibang exam sa
iba’t ibang paaralan dito sa aming lalawigan na nagngangalang San Pablo. Ako ay
kumuha ng mga exam sa LC (Laguna College), LSPU (Laguna State Polytechnic
University) At SPCSHS o San Pablo City Science High Shool. Sa paglapit ng mga
araw na ako ay kukuha ng exam ako ay nagkaroon ng trangkaso ngunit hindi ko
dapat ipagpalipas ang pagkakataon kong makakuha ng exam sa mga eskwelahang ibig
kong makapag-aral. Hindi man inaasahan ngunit ako ay nakapasa sa LC bilang
“Full Scholar” ganun din sa LSPU at Science High School. Sa huli napagpasyahan
naming na sa Science High School ko ipagpapatuloy ang aking pag-aaral sa
Science High School kung saan kailangan kong doblehin ang aking pagsisikap
upang maipagpatuloy ko ang pag aaral sa paaralang iyon. Sa unang araw ng klase
ay nakilala ko kaagad ang aking mga kaibigan na si SJ (Sebastian Julio), Jowan
at iba pang mga kaibigan ko. Nakilala ko rin ang aking sunod na inspirasyon na
si Kathleen. Sa pagtagal ng panahon, bumuo kami ng samahan o barkadahan at maki
ay naging mabuting magkaibigan. Naging mahirap na pagsubok ang pag-aaral naming
noong kami ay “First year” dahil advanced ang mga topic namin sa lahat ng
subject naming araw-araw pero kahit papano ay nakakaraos rin naman kami. Di
nagtagal nalaman ni Kathleen ang nararamdaman ko sa kanya ngunit nauwi lang ang
lahat ng iyon sa isang masakit na katapusan. Noong mga sandaling iyon, nawalan
na ako ng gana upang mag-aral dahil nawalaan na ako ng inspirasyon upang
magpatuloy pa sa pag-aaral sa Science High School. Natanggal ako sa Science
High School dahil hindi ko nakamit ang marka na karapatdapat naming lampasan
upang manatiling isang estudyante ng Science High School. Umalis ako ng may
hinanakit sa damdamin hindi dahil sa hindi ko nakamit ang mga marka na
kinakailangan ko upang makapasa, umalis ako ng malungkot dahil ang aking
nadarama para kay Kathleen ay nabaliwala lang dahil minahal niya lang ako sa
maikling panahon. Noong mga sandaling iyon, pinagsisisihan kong inibig ko pa
siya dahil hindi ko alam na masasaktan lang ako sa kanya. Pero sa paglipas ng
panahon ay nawala ang lungkot at hinanakit na nakulong sa aking puso dahil
kinailangan kong unahin ang mga problemang dumarating sa aking buhay. Hindi ako
mapakali dahil hindi ko na alam kung saan ako mag-aaral simula noong natanggal
ako sa Science High School.
Salamat sa Panginoon, ako ay nakapagpatuloy ng
pag-aaral ko bilang isang Scholar sa CLDDMNHS (Col. Lauro D. Dizon Memorial
National High School). Ako ay kinabahan ngunit nasiyahan dahil sa bagong
kaibigan na aking makikilala at dahil narin sa mga bago kong guro. Sa unang
araw ng pagpasok, ako ay tahimik upang makilala ko ang bawat kaklase ko sa loob
n gaming silid. Ang hindi nila alam ay isa akong makulit at maingay na
estudyante tulad ng iba. Nang dumating ang ikalawang araw doon na ako
nagsimulang mag-ingay at magpasaway. Nagulat ang aking mga kaklase dahil hindi
nila inaasahan na ganun ako. Dahil doon nakilala ko sina Mishael, Julbert, JC
at iba ko pang mga kaibigan na kasama ko ngayon sa ikalawang baiting ng High
School. Medyo mahirap pero kinakaya parin ang mga pagsubok para makapasa at
makatungtong sa susunod na taon kung saan kami ay magiging 3rd year
na. Sa kasawiang palad, may iba sa amin na alanganin ang mga marka at baka
sakaling matanggal sa pagiging scholar para sa susunod na taon. Nakakalungkot
mang isipin pero may mga bagay na talagang nangyayari na hindi sang-ayon sa
ating gusto.
![]() |
Logo ng paaralan na kung saan ako ngayon nag-aaral |
Nagpapasalamat
ako sa Diyos sa lahat ng biyaya na ibinigay niya sa akin, mga mapagmahal at
matiyagang mga magulang, mga kaibigan na lagi kong maaasahan at ang mga naging
inspirasyon ko sa aking pag-aaral (Trixie, Yla at Kathleen) na nagtulak sa akin
upang malabanan ko ang bawat problema at sagabal sa aking pag-aaral. Lagi sana
natin tandaan na sa kahit anong problema lagging may solusyon, ngunit kung ang
problema natin ay walang solusyon huwag nalang natin problemahin.
No comments:
Post a Comment