Sunday, March 4, 2012

"Computer para sa pag-aaral"



Ito ay isang kwento kung saan makikita natin ang pakikipagsapalaran ng isang batang taga probinsya na nag-aaral sa isang eskwelahan sa lungsod. Dito natin makikita kung gaano kahirap ang buhay ng mga batang walang kaya na nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral laban sa mga bisyo at mga problemang kinakaharap ng kabataan sa panahong ito.

                Itong kwentong ito ay tungkol sa batang si Jojo na isang probinsyanong nagsusumikap na makapag-aral. Siya ay anak ng dalwang magsasakang nagsusumikap na siya ay pag-aralin para makatapos at makapagtrabaho para sa magandang kinabukasan. Ngunit sa pag-aaral niya ay makakasalubong niya ang mga pagsubok ng buhay at masasamang bisyo ng kabataan ngayon.

                Si Jojo ay isang batang masipag mag-aral. Siya ay anak ng dalawang magsasakang nagsusumikap na siya ay pag-aralin para siya ay makatapos, ngunit bago siya makatapos ay nakaharap niya ang mga bisyong dapat niyang talunin. Si Jojo ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan kung saan makikilala niya ang iba’t ibang uri ng kabataan meron tayo ngayon. Sa paaralang iyon nakilala niya si Nestor na isang mayaman na siyang ring naging matalik niyang kaibiga. Doon nya rin nakilala sina Jose, Pedro at Juan na siyang mga masasamang impluwensya ang maidudulot sa kahit sinong batang makipagkaibigan sa kanila.

                Isang araw sa eskwelahan, si Jojo ay bumibili ng kanyang pagkain sa canteen nang biglang pumunta sa kanya si Nestor na nag-iiyak. “Nestor, bakit ka nag-iiyak?” ang sabi ni Jojo. “Eh kasi Jojo, kinuha nina Jose yung cellphone ko tapos pinaglaruan pa. Lagot ako kay mommy pag nalaman nila yun!” sagot ni Nestor. “Ako ang bahala, mababawi din natin ang cellphone mo. Isusumbong ko sila kay ma’am mamaya. Kala nila ha!” ang sabi naman ni Jojo. Pagkatapos ng recess, nagbalikan na sila sa klase at isinumbong agad ni Jojo ang masamang ginawa ni Jose at nang kanyang tropa. “Maam, sina Jose po kinuha yung cellphone ni Nestor”. “Jose, totoo ba ang sinasabi ni Jojo?” sabi ng guro. “Opo maam, hiniram lang naman po naming eh” sagot ni Jose. “Sinungaling ka! Sinabi sakin ni Nestor na kinuha mo raw ang cellphone nya! Ibalik mo yan sa kanya!”. Dahil sa takot ni Jose sa kanyang guro at sa kahihiyang natamo nya sa buong klase ibinalik na niya kay Nestor ang cellphone ngunit may sinabi si Jose kay Jojo. “Lagot ka sakin Jojo, hindi ka makakalabas ng gate mamaya”. Sa kilabot ni Jojo kay Jose ay napaupo nalang ito sa kanyang silya at napatulala. Sabay sabi naman ni Nestor na “Maraming salamat kaibigan, babawi rin ako sayo. Tsaka wag kang mag-alala, hindi ka babalikan ni Jose, uunahan natin siyang maka-uwi!”. Masayang sinabi ni Nestor kay Jojo. Simula noong araw na iyon, lagi na silang magkasama ni Nestor at Jojo sa bawat araw ng pasukan. Ngunit dumating ang isang araw na sila ay nag-away. Hindi inaasahang naibagsak ni Jojo ang cellphone ni Nestor at ito ay nasira.

                Dahil sa pangyayaring iyon, hindi na nagpansinan ang dalawang magkaibigan. Si Nestor ay madalas nang walang kasama. Lagi na siyang kumakain mag-isa sa canteen at walang kasama pag-uuwi na mula sa klase. Si Jojo naman ay napasama sa tropa nina Jose, Pedro at Juan. Dahil sa pakikipagkaibigan niya sa tropa ni Jose ay natutunan niyang magkaroon ng mga bisyo. Natuto siyang manigarilyo, mag-inom at magcomputer sa mga computer shop ng walang patid. Dumating ang isang araw na nakaaway nanaman ni Jose si Nestor. Kinuha nanaman ni Jose ang cellphone ni Nestor. Si Nestor ay nagmamakaawa nang ibalik sa kanya ang kanyang cellphone. “Parang awa mo na Jose, ibalik mo na iyan sa akin. Ano ba ang nagawa ko para ako lagi ang pagtripan mo?” ang sabi ni Nestor kay Jose. “Haha, sa tingin mo ibabalik ko ito sa iyo? Wala si maam ngayon! May sakit kaya wala kang mapagsusumbongan ngayon! Hahaha”. “Jojo, tulungan mo naman ako. Kaibigan mo naman si Jose. Parang awa mo na”. Hindi kumibo si Jojo at tumalikod nalang. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagisip-isip ni Jojo ang mga bagay na nagawa niya. “Ano ba itong mga  nagawa ko? Hindi na tama ito!”. Mula noon hindi na sumasama si Jojo sa tropa ni Jose at naging matalik na magkaibigan ulit sila ni Nestor. Ngunit noong panahon na iyon ay napansin na ni Nestor na walang tigil sa paninigarilyo at pagiinom si Jojo, wala ring humpay ang paglalaro niya sa computer shop. Dumating na rin ang araw na niyaya ni Jojo si Nestor na mag-inom sa bahay nila. “Ano ka ba naman Jojo? Wala pa tayo sa tamang edad para mag-inom. At tsaka saan mo ba natutunan ang pag-iinom? Wala naman iyang maidudulot na maganda sa atin ah?”. “Hay nako Nestor, konting tikim lang namn ang gagawin natin eh. Anu bang masama doon?”. “Dyan nagsisimula ang masamang bisyo Jojo. Tigil-tigilan mo na yan. Wala kang mararating dyan sa ginagawa mo” sabay alis si Nestor dahil sa makulit na pag-yayaya ni Jojo. Nangmaka-uwi na si Jojo, napag-isip-isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Nestor. Napasok sa isipan niya na wala ngang mabuting maidudulot ang sagad-sagad na pag-iinom niya. “Tama nga si Nestor, wala nga talaga akong mapapala sa pag-iinom ko. Baka maaga pa akong ma-dead ball dito” ang sabi ni Jojo sa isipan niya.


 




Simula rin noong araw na iyon ay hindi na si Jojo nag-iinom. “Nestor, panu ba yan? Hindi na ako nag-iinom ngayon oh”. “Aba, ay mabuti naman. Buti’t napag-isip-isip mong tumigil sa bisyo mong iyan”. “Aba syempre, baka maaga akong matodas. Marami pa akong pangarap ano”. Natapos ang usapan nilang iyon sa halakhakan at tuloy-tuloy na kwentuhan. Nang pauwi na sila niyaya ni Jojo na magcomputer sila ni Nestor. “Nestor, tarang magcomputer. Maglaro muna tayo bago umuwi”. “Tara, pero saglit lang tayo. Baka mahuli ako ng nanay ko” sagot ni Nestor. “Oh sige, tara na!”. Nagtungo sila sa pinakamalapit na computer shop at naglaro sila doon. Matapos ang isang oras, nagpasya na si Nestor na umuwi. “Sige pre, uwi na ako. Ang sakit na ng mata ko!”. “Sige, kita nalang tayo bukas!”. Umuwi na si Nestor patungo sa kanilang bahay ngunit si Jojo ay patuloy parin sa paglalaro. Nagpatuloy ang pagcocomputer ni Jojo at ni Nestor at napansin ni Nestor na madalas ay hindi na umuuwi ng maaga si Jojo. “Nako, mukang may bagong bisyo nanaman si Jojo. At ngayon naman ay sa paglalaro ng computer”. Kinabukasan kinausap ni Nestor si Jojo. “Jojo, napapansin kong hindi ka nauwi ng maaga sa inyo ah. May problema ka ba?”. “Ah, wala naman Nestor, nagcocomputer lang ako kaya ganung oras na ako nauwi” sagot ni Jojo. “Ibig mong sabihin nauwi ka na ng gabi dahil lang sa pagcocomputer?” ang sabi naman ni Nestor. “Eh pare, yun nalang ang libangan ko eh”. “Alam mo Jojo, ang computer ay hindi ginawa para lang gawin nating libangan. Alam mo bang dito tayo makakakuha ng iba’t ibang impormasyon gamit ang internet?”. “Alam ko naman yun eh Nestor”. “Ganun naman pala eh, bakit ka naglalaro nang ganun katagal sa computer?” tanong ni Nestor. “Eh hindi ko mapigilan eh, mukang naadik na nga ako sa pagcocomputer” sagot ni Jojo. “Ayan na nga baga ang sinasbi ko, naging bisyo mo na ang pagcocomputer pare. Imbis na gamitin mo ang computer sa pag-aaral ay ginagamit mo ito para sirain lang ang pag-aaral mo at ang kinabukasan mo! Nasasayang lang ang perang kinikita ng mga magulang mo sa pagsasaka dahil lang sa bisyo mong yan”. “Hayaan mo pre, susubukan kong tigilan ang pagharap sa computer ng masyadong matagal. “Sige pre, pwede naman tayong maglaro sa computer eh, pero paminsan-minsan lang” sabi ni Nestor. “Hayaan mo, iiwasan ko narin ang maglaro para hindi na ako maadik pa ulit sa pagcocomputer” sagot ni Jojo. Sa paglipas ng panahon, natutunan ni Jojo ang tamang pag gamit ng computer sa tulong ng matalik niyang kaibigan na si Nestor. Pareho silang nakatapos ng pag-aaral dahil sa pagkakaroon ni Jojo nag part time job habang siya ay nag-aaral ng college. Pareho silang naging mahusay na Computer Engineers at pareho rin silang nagsasagawa ng mga programa para turuan ang kabataan kung paano gumamit ng tama ng computer at kung pano umiwas sa masasamang bisyo. Sa kabila ng lahat ng dinanas di Jojo sa kanyang buhay ay nakapagtapos siya ng pag-aaral at nakakuha siya ng isang magandang trabaho dahil sa tulong ng kanyang kaibigan na si Nestor.

                Dapat nating tandaan na ang pag gamit ng computer ay pwede nating gawin ngunit hindi natin ito dapat gawing laruan. Kailangan nating matutunan ang tamang pag gamit ng computer para mapaunlad an gating sarili at hindi para sirain at ating pag-aaral at kinabukasan.

Saturday, March 3, 2012

"Ang aking Makasaysayang Talambuhay"


Magandang araw sa iyo kaibigan, ako nga pala si Alvin. Alam naman natin ngayon na karamihan sa kabataan ay nalululong na sa mga online games, facebook at kung anu-ano pa na makakasira sa ating pagkatao at buhay at ang mga blog ay nababaliwala nalang dahil sa mga bagay na ito. Dito sa blog marami tayong makukuha at matututunang impormasyon. Mas mabuting ditto natin ituon an gating oras kaysa sa paglalaro ng mga computer games at facebook. Tulad nyo isa rin akong adik sa mga computer games tulad ng DOTA at SF pati narin sa Facebok at sa mga larong nakapaloob dito pero kahit ako ay nalululong dito ay nakokontrol ko ang aking paglalaro at nasisikap ko pang itaas ang aking mga marka sa paaralan. Muntik ko nang makalimutan, eto nga pala ang storya ng buhay ko.

                                                                

Ako noong graduation namin noong grade 6
                Ako nga pala si Alvin Sanchez Fungo. Isa akong estudyante sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School na isang paaralang sekondarya. Ako ay labing-apat na taon na. ako ay ipinanganak noong Mayo 7, 1997 sa San Pablo City, Laguna. Ako ay nakatira sa #512 Aquamarine st. Magcaseville subd. Brgy. Sto. Cristo, San Pablo City. Ako ay nasa ikalawang baiting ng high school. Pero bago ako makarating sa ikalawang baiting ng high school ay nagkaroon din ako ng mga kapalpakan, pagsubok at tagumpay sa aking buhay. Noong ako ay nursery pa lamang ako ay nahirapan dahil ayun ang unang yugto ng pag-aaral natin kung saan wala pa tayong karanasan kung paano mag-aral ng mabuti. Syempre bata pa tayo noon kaya marami akong kalokohang nagawa, tulad nalang nung pagkakataon na pinaltok ko ng chalk ang aking guro, maaaring hindi ako napahamak sa ginawa kong iyon pero alam kong mali iyon pero syempre, bata lang tayo. Nagkaroon din ako noon ng “Crush” o simpleng paghanga sa aking kaklase noong nursery. Ang pangalan nya ay Trixie. Siya ay dati naming kapitbahay at kaklase noong ako ay nursery pa lamang. Di nagtagal at umalis na sila at nakahanap ng bahay sa maynila kung saan niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa paglipas ng panahon ay nakatapos ako ng nursery, kinder 1 at kinder 2 at pumasok na sa bagong departamento ng pag-aaral. Kung dati ay nasa pre-elem pa lamang ako ngayon ay nasa elementarya na ako. Sa pagkakataong iyon ay natutunan kong mag-aral ng husto dahil unti-unti ko nang nauunawaan ang kahalagahan ng pag-aaral. Syempre nandyan nanaman ang pagkakaroon ko ng “Crush” at ang pangalan nya naman ay Yla. Siya ang naging inspirasyon ko na magsipag ng husto sa pag-aaral para maging kabilang sa mga achiever. Sa pag tatapos ko ng grade 1 ako ay nakabilang sa mga achiever at dahil dito kami ay nagdiwang. Si yla rin naman ay nakasali sa achiever at dahil sa talinong taglay niya ay mas mataas ang naging ranggo o pwesto niya sa akin sa mga achiever. Sa pagtagal ng panahon, nagsipag ako ng husto sa pag-aaral para mahabol ko siya ngunit hindi ko magawa dahil sa mga hadlang sa aking pag-aaral tulad ng computer games at kung anu-ano pa. dumating ang araw na siya ay sinaktan ng aking mortal na kaaway noong kami ay grade 2. Nakita ko siyang nag-iiyak at katabi ang dating “bully” n gaming klase na si Glenn. Noong panahung iyon naglakas loob na lang ako na lapitan siya at patahanin. Hindi inaasahan ngunit nagawa ko siyang pasayahin at biglang nagtinginan ang mga kaklase namin sabay hirit ng “uuuuyyy”. Sa panahong iyon, wala akong nagawa kundi matahimik at umupo nalang ulit ako sa aking upuan. Syempre, siya parin ang “crush” ko noon at noong panahong iyon ay hiyang-hiya akong lumapit sa kanya dahil hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko pag nasa paligid siya. Dahil sa kanya nagsikap akong humabol sa mga achiever at dahil nga sa pagsisikap ko ay napasali ulit ako sa mga achiever.



                Nagpatuloy ang paghanga ko sa kanya hanggang sa kami ay mag grade 5 kung saan ako ay nilalait na ng mga kaklase ko tungkol sa kanya. Noon pa naman ay madalas akong mamula pag ako ay inaasar tungkol sa taong hinahangaan ko. Sa tuwing inaasar ako ng mga kaklase ko ay wala akong magawa kundi tumahimik na lamang sa isang tabi at noon din ay nalaman na nya na may gusto ako sa kanya. Noong malaman ko ang tungkol dito lalo akong hininaan ng loob na lumapit sa kanya at kauspain siya. Sa pagtagal ng panahon ay napalayo na ako sa kanya dahil sa kahiyaan ko at ang kaya ko lang gawin pag siya ay nasa paligid ay ang tumingin sa kanya, ngunit pag siya ay tumitingin ako naman ay umiiwas dahil baka isipin niya na masyado akong ambisyoso para ibigin siya.




                Dumating na ang panahon kung saan kami ay grade 6 na kung saan kami ay kabilang sa mga Graduating batch. Noong panahon na iyon ay pinipilit kong ipunin ang lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sa kanya ang aking nararamdaman para sa kanya ngunit ako ay nabigo dahil natalo ako ng aking pagiging duwag. Nanatili akong tagahanga lang niya noong panahon na iyon ngunit siya ay nagsisilbi parin na isang inspirasyon para sakin na magsumikap na makalusot sa mga achiever para mahabol sya. 



DOTA: larong aking kinaadikan dati
Sa mga oras na yon ako ay masyado nang nalulong sa mga laro sa computer games tulad ng DOTA at SF na naging hadlang para makapag- aral ako ng seryoso at madalas ito rin ang umuubos sa oras kung saan ako dapat ay nagawa ng mga takdang aralin at nag-aaral para sa mga susunod na pagsusulit. Sa kabila ng mga hadlang na ito ay nakatapos ako ng elementarya dahil sa aking pagsisikap, pagsisipag at dahil na rin sa aking inspirasyon na si yla at sa aking mga kaibigan ako ay nakapagtapos ng elementary na isa paring achiever. Natapos ang taon na ang paghanga kong nararamdaman para kay ila ay naikulong nalang sa aking puso at inilihim nalang sa kanya.



                Dumating ang panahon na kinailangan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya para makatungtuong na sa susunod na yugto ng aking pag-aaral kung saan ako ay kikilalanin na bilang isang “High School Student”. Kailangan ko noong makahanap ng isang mahusay at masayang paaralan kaya ako ay kumuha ng iba’t ibang exam sa iba’t ibang paaralan dito sa aming lalawigan na nagngangalang San Pablo. Ako ay kumuha ng mga exam sa LC (Laguna College), LSPU (Laguna State Polytechnic University) At SPCSHS o San Pablo City Science High Shool. Sa paglapit ng mga araw na ako ay kukuha ng exam ako ay nagkaroon ng trangkaso ngunit hindi ko dapat ipagpalipas ang pagkakataon kong makakuha ng exam sa mga eskwelahang ibig kong makapag-aral. Hindi man inaasahan ngunit ako ay nakapasa sa LC bilang “Full Scholar” ganun din sa LSPU at Science High School. Sa huli napagpasyahan naming na sa Science High School ko ipagpapatuloy ang aking pag-aaral sa Science High School kung saan kailangan kong doblehin ang aking pagsisikap upang maipagpatuloy ko ang pag aaral sa paaralang iyon. Sa unang araw ng klase ay nakilala ko kaagad ang aking mga kaibigan na si SJ (Sebastian Julio), Jowan at iba pang mga kaibigan ko. Nakilala ko rin ang aking sunod na inspirasyon na si Kathleen. Sa pagtagal ng panahon, bumuo kami ng samahan o barkadahan at maki ay naging mabuting magkaibigan. Naging mahirap na pagsubok ang pag-aaral naming noong kami ay “First year” dahil advanced ang mga topic namin sa lahat ng subject naming araw-araw pero kahit papano ay nakakaraos rin naman kami. Di nagtagal nalaman ni Kathleen ang nararamdaman ko sa kanya ngunit nauwi lang ang lahat ng iyon sa isang masakit na katapusan. Noong mga sandaling iyon, nawalan na ako ng gana upang mag-aral dahil nawalaan na ako ng inspirasyon upang magpatuloy pa sa pag-aaral sa Science High School. Natanggal ako sa Science High School dahil hindi ko nakamit ang marka na karapatdapat naming lampasan upang manatiling isang estudyante ng Science High School. Umalis ako ng may hinanakit sa damdamin hindi dahil sa hindi ko nakamit ang mga marka na kinakailangan ko upang makapasa, umalis ako ng malungkot dahil ang aking nadarama para kay Kathleen ay nabaliwala lang dahil minahal niya lang ako sa maikling panahon. Noong mga sandaling iyon, pinagsisisihan kong inibig ko pa siya dahil hindi ko alam na masasaktan lang ako sa kanya. Pero sa paglipas ng panahon ay nawala ang lungkot at hinanakit na nakulong sa aking puso dahil kinailangan kong unahin ang mga problemang dumarating sa aking buhay. Hindi ako mapakali dahil hindi ko na alam kung saan ako mag-aaral simula noong natanggal ako sa Science High School.




Logo ng paaralan na kung saan ako ngayon nag-aaral
Salamat  sa Panginoon, ako ay nakapagpatuloy ng pag-aaral ko bilang isang Scholar sa CLDDMNHS (Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School). Ako ay kinabahan ngunit nasiyahan dahil sa bagong kaibigan na aking makikilala at dahil narin sa mga bago kong guro. Sa unang araw ng pagpasok, ako ay tahimik upang makilala ko ang bawat kaklase ko sa loob n gaming silid. Ang hindi nila alam ay isa akong makulit at maingay na estudyante tulad ng iba. Nang dumating ang ikalawang araw doon na ako nagsimulang mag-ingay at magpasaway. Nagulat ang aking mga kaklase dahil hindi nila inaasahan na ganun ako. Dahil doon nakilala ko sina Mishael, Julbert, JC at iba ko pang mga kaibigan na kasama ko ngayon sa ikalawang baiting ng High School. Medyo mahirap pero kinakaya parin ang mga pagsubok para makapasa at makatungtong sa susunod na taon kung saan kami ay magiging 3rd year na. Sa kasawiang palad, may iba sa amin na alanganin ang mga marka at baka sakaling matanggal sa pagiging scholar para sa susunod na taon. Nakakalungkot mang isipin pero may mga bagay na talagang nangyayari na hindi sang-ayon sa ating gusto.



                Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyaya na ibinigay niya sa akin, mga mapagmahal at matiyagang mga magulang, mga kaibigan na lagi kong maaasahan at ang mga naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral (Trixie, Yla at Kathleen) na nagtulak sa akin upang malabanan ko ang bawat problema at sagabal sa aking pag-aaral. Lagi sana natin tandaan na sa kahit anong problema lagging may solusyon, ngunit kung ang problema natin ay walang solusyon huwag nalang natin problemahin.